Sa industriya ng Health Maintenance Organization (HMO) o Health Insurance, hindi naman kami nag ooffer o nagbebenta ng isang bagay na HINDI MAHALAGA. Kung may pera ka di ka naman namin pinipilit mag AVAIL ng HEALTH CARD. Wala kaming pakialam kung ayaw mo ng healthcare o hospitalization kapag may nangyari sa iyo, kung kaya mo naman sarili mo di ba?
Ikaw oo kaya mo pero ang miyembro ng PAMILYA mo KAYA BA NILA. Ikaw may trabaho sila wala. Maaaring nanay mo siya, tatay, ate o kuya. Maaaring anak mo siya, lola o lolo. Tayo ay darating sa CRISIS ng pagkakasakit. Hindi naman masama ang maghanda tama?
Kung wala ka din pambayad sa health card, hindi ka rin namin pinipilit. Ang sa amin lang ito ay option lang habang malakas ka pa. Ayaw namin na marinig sa iyo balang araw na kapag nagkasakit ka na, "tsk tsk tsk, sayang hindi ako nag invest sa health care ko." Hindi naman masama ang MAGING SMART sa kapanahunan natin ngayon.
Ang lahat ng tao ay manghihina, mawawalan ng trabaho pero may pagkakataon naman para paghandaan ang mga ito tama? Sa HMO Caritas Health Shield, binibigyan ka namin ng pagkakataon magisip para na rin sa iyong PAMILYA. Kaya ka nga nagsusumikap sa buhay kasi para makasama mo sila ng mahaba pang panahon tama?